3-in-1 Event
Sa aming pagsasagawa ng Sining Pandayan ay ginawa namin itong 3-in-1 event na kung saan nagsasagawa kami ng Art Workshop kasabay nito ang Storytelling at Bookfair/Booth Selling. Ito ang best practice na ginawa ng aming Kopon. Noong una ay nagkaroon kami ng brainstorming kung paano kami magkakaroon ng Storytelling Activity kung sasabay ito sa mga gawaing tindahan kaya naisip ng aming Kopon na magkaroon ng tatlo at magkakasabay na gawain sa isang araw lang idadaos at dito pumasok ang ideya na magkaroon ng 3-in-1 event.
Storytelling – Sa pagsasagawa ng storytelling ay hindi ubra ang basta binasa mo lang ang librong hawak mo. Laging nakatatak sa akin ang mga kataga ni Titser Dyali noong kami ay nagkaroon ng Storytelling Seminar na “Kapag ang mga bata ay masaya sa pagkatuto ay lagi nila itong maaalala.” Kaya naman sa tuwing binabasahan ko ng kuwento ang mga bata ay tinitiyak ko na atensyon nila ay nasa tagapagsalaysay.
Workshop Proper – Bago namin simulan ang aming art workshop ay nagkakaroon muna kami ng maikling talakayan tungkol sa kung ano ba ang aming gagawin sa paraang ito ay nagkakaroon ng kaalaman o ideya ang mga bata sa kung ano ba ang gagawin nila. Sa pagpapatuloy ay dapat hindi magkaroon ng dull moment o dead air. Dapat ay umiikot sa buong paligid. Aliwin ang mga bata. Bisitahin ang kanilang mga ginagawa dahil hindi ubra na maramdaman nila na gumagawa sila ng walang kasama. Ang pangunahing layunin natin dito ay matuto at magsaya ang mga bata.
Bookfair/Booth Selling – Dahil bago sa mga mata ng mga bata ay tiyak na dudumugin at uusisain nila kung ano ba ang inyong tinda kaya magandang paraan din ito upang magkaroong ng karagdagang benta.