30th Anniversarry Suppliers’ Fellowship
Isang karangalan para sa akin na makasama sa mga mag-aasikaso sa mga supplier para sa pagtitipon sa Suppliers’ Fellowship. Ngayon ko lang po kasi nakita ng personal ang mga may-ari ng kompanya na partner ng Pandayan sa hanapbuhay. Bagamat sa 25 years ko po sa Pandayan ay may ilan naman na po akong na meet ng personal, pero kadalasan ay ahente lamang ang aming nakakausap lalo na sa buying day.
Sa pagtitipong ito ay hindi po ako nakadama ng kaba dahil batid kong handa naman po ang lahat. Sa GC ay malinaw naman ang mga dapat gawin para maasikaso namin ng maigi ang mga bisitang supplier at maipadama sa kanila na sila ang bida sa araw ng Suppliers’ Fellowship. Excited kaming lahat at maaga po kaming nakarating sa Gloria Maris.
Sa pagbungad ko pa lang sa venue ay napa wow! na ako sa simple at eleganteng venue. Pansin ko rin po ang komportableng espasyo ng bawat mesa. Sa Group 2 ako na assign kasama po ni Boss Luz. Unang dumating si Sir Ken ng Goldwings at sinundan po nila Ma’am Merly, Sir Joey ng SQI, Sir Victor at Sally ng Veco. Habang humabol pong dumating si Ma’am Esther ng King Files.
Masaya ang naging kamustahan sa aming grupo. Pansin kong mga smiling face din ang aking mga kasama at game na game sila, lalo na po nang ayain ko silang magpa picture kaming lahat sa photo booth. Hindi ko rin po pinalagpas upang makuha ang kasagutan nila sa ating katanungan na: Ano ba ang mga improvements na inaasahan nila sa ating working relationship sa darating na panahon?
Hiningi ko po isa-isa ang kanilang boses. Tugon po ni Sir Ken ay good payer naman daw po ang Pandayan at wala silang matandaan na naging problema sa atin. Ang hiling po niya ay sana lang ay patuloy ang maging magandang partnership ng Pandayan sa kanilang lahat.
Bida naman po ni Sir Joey ay may mga house brand tayo na galing sa kanila, kaya kumbaga mas madalas ang uganayan natin sa kanila. Aniya ay madaling kausap at mababait ang may ari ng Pandayan. Nabanggit din nila ang mga GE’s na alam nilang naaalagaan din mabuti ng kompanya, kaya tulad ng mga boss ay parehas ng ugali at disiplina ang kanilang nakikita.
Napaka competitive at alerto sa nangyayari sa market pagbabahagi naman ni Sally na ahente ng Veco. Nitong pasukan, naranasan daw niyang ‘di tantanan ng mga GE’s sa pag follow up ng mga order na notebook ng mabilisan na sa totoo ay ikinatuwa naman po nila dahil sa laki ng naging benta nila mula sa atin. Masaya silang nagpapasalamat sa pagbibigay importansya po ng Pandayan sa kanila. Sabi ko nga po ay nais naming mga taga-Pandayan na madama nila ang pasasalamat po natin sa kanila dahil kung wala naman sila ay di rin po tayo makakabot ng 30 years.
Naobserbahan ko po nang mag-umpisa ang programa at magbigay po kayo ng talk ay lahat sila ay tahimik na nakinig sa inyong bawat binibigkas na adhikain ng Pandayan. Ang iba nga ay talagang nag video pa. Ramdam ko pong tumimo ng husto sa mga naroon ang wagas ninyong mensahe na nais ipabatid.
Sabi nga nila nabusog na sila sa masarap na food, nabusog pa ang puso’t diwa nila sa magandang mensahe na kanilang nadinig mula po sa inyo, bagay na nagmulat sa kaisipan ng mga naroon sa ating kultura ng Pandayan na meron po sa ating samahan. Maraming napa sana all! na ahente lalo na nang malaman nila ang pangarap ng Pandayan para sa bawat kapwa at kung paano ang pagtrato at pag-aalagang ginagawa ng Pandayan sa mga empleyado nito. Batid kong maraming na inspire po dito.
Namangha rin po sila sa dami ng programa ng pakikisa ng Pandayan sa pamayan. Sabi nga ni Sir Joey joint force talaga ang mga Kapwa sa tindahan sa pagsasagawa ng mga aktibidad. Dahil nakakasama po nila tayo, maliit na bagay man sa iba, subalit wala itong katumbas para sa mga taga-Pandayan dahil bukal sa puso ang pakikisa at pagtulong ng mga Kapwa sa pamayanan.
Para sa akin hindi ko po malilimutan ang 30th Suppliers’ Fellowship na ito. Isa ako sa naging saksi sa makabuluhang pagtitipon na ito. Salamat po sa pagkakataong masama ako sa pagharap sa ating mga partner suppliers. Sobrang proud ako na isa akong Panday