70th Birthday ni Nanay
Nito lamang Pebrero ay ginanap ang ika-pitumpo at pitong (77) taon ng aming Nanay. Pandayan Bookshop ang naging kaagapay ko upang maisakatuparan ito. Pinagsama-sama ko ang aking savings, sahod at dividendo sa Sarilikha.
Ang Ate ko ang nag-asikaso ng tarpaulin, souvenirs, at pamamalengke ng ihahanda. Araw ng selebrasyon, marami ang naging bisita at karamihan dito ay senior citizens. Excited akong ibigay sa aking Nanay ang aking munting regalo. Naiyak ako nang niyakap ako ni Nanay at nagpasalamat siya sa akin.
Sobra akong nagpapasalamat sa Pandayan Bookshop dahil katuwang ko ito upang maibigay at matugunan ang pangangailngan ng aking Nanay. Ako ang klase ng anak na handang ibigay ang deserve ng Nanay ko. Sa mundong ito wala tayong kasiguraduhan kung hanggang kailan mananatili ang ating magulang. Walang rewind sa buhay kaya habang nandiyan pa sila, iparamdam natin sa kanila ang ating pagmamahal.