Ako Bilang Isang Tagapagpatupad
Bilang isang tagapagpatupad malaki ang aking gampanin, ang mga nakaatang sa aking mga balikat. Para sa akin ang pinakaimportante bilang isang pinuno ang pagkakaroon ng isang samahan na nagtuturo at natututo. Ito ang isa sa pinakamahalang sangkap sa pagtupad ng aming adhikain.
Ang isa sa apat na papel ng isang tagapatupad ay Manager. Bilang isang manager importante sa aming kopon ang pagbuo ng isang konkretong plano sa bawat layunin na kailangan naming abutin. Plano na kung saan ito ang magdadala sa amin sa isang maayos na pagtupad. Sa pagbuo ng plano importante para sa akin ang pagbabahagi ng ideas at suggestion ng aking mga kasama. Dito mas nakikita at nahihimay namin kung ano at saan ang kailangan naming ayusin. Sa isang plano importante ang delegation ng trabaho sa bawat isa. Importante para sa akin ang involvement ng aking kasama dahil dito mas nakikita ko ang kanilang kahinaan at kalakasan. Execution ng plano, hindi sa lahat ng plano ay nasusunod ayon sa gusto mo ngunit para sa akin ito ang tanda na mas pagbubutihan at mas aayusin namin dahil naniniwala ako na there is always room for improvements.
Importante ang pagkakaroon ng leadership attitude sa isang pinuno. Bilang isang leader mahalaga sa akin ang kapakanan ng aking mga kasama. Sinisigurado ko na nakikita nila ako bilang isang role model sa kanila, leader na dadalhin sila sa maayos na trabaho, leader na dadalhin sila sa mas malawak na kaalaman, at higit sa lahat leader na iaangat sila at imo-motivate sila kung pakiramdam nila napanghihinaan sila ng loob. Bilang pinuno masaya ako kapag nakikita ko ang aking mga kasama na masaya sila na pumapasok. Inspired sila na mas pagbutihan ang kanilang trabaho sa gitna ng pagsubok na kanilang pinagdadaanan. Kagalakan ko bilang isang pinuno na kahit may mga kapwa na kinapos sa performance at sa tuwing kakausapin ko sila palagi silang emotional at ramdam ko na ayaw nila mag-end. Dito alam ko sa sarili ko na naging maganda akong halimbawa sa kanila.
Sa isang matagumpay na samahan, importante ang pagiging isang guro. Sa isang samahan ang pagtuturo ang pinakaimportanteng bagay lalo na sa pagtupad ng isang plano at sa pagsasaayos sa kanilang trabaho. Sa pamamagitan ng pagtuturo mas nadadagdagan ang kanilang kaalaman at ito ang kanilang magiging sandata sa anuman hamon ng trabaho ang ibigay sa kanila. Sa pamamagitan nito mas nakikita mo ang isang kapwa kung sino sa kanila ang may progreso at mas lalo yumayabong ang kanilang kaalaman.
Bilang isang pinuno, alam ko na hindi perpekto ang aking pamumuno. Marami rin akong kailangan improve sa aking sarili. Ang isa sa pinakamahalagang natutunan ko ay pagtanggap sa mga puna ng aking kasama dahil naniniwala ako na ang aking mga kasama ang aking salamin. Salamin sila kung saan makikita kung paano ako sa kanila, paano makisama at higit sa lahat bilang isang pinuno.
Sa pag-abot ng aming adhikain, naniniwala ako na ang pagkakaroon ng maayos na samahan ay susi sa isang matagumpay na kopon. Lahat ng Kapwa mula sa guard, probee at regular, bawat isa may mahalagang gampanin sa isang kopon. Katulad ng sinabi ng aming GE na ang isang kopon ay parang isang bangka na lahat ay kailangan magsagwan para makarating sa finish line. Bawat kasama sa bangka ay kailangan ng cooperation ngunit minsan makaka-encounter ka ng kasama na kulang sa cooperation sa samahan, pero isa sa mga prinsipyo ko bilang pinuno ay hindi ako susuko na turuan sila at gabayan hanggang sa makarating sila sa mataas ng uri ng trabaho.