Bakit Pandayan?
Isang Panauhing estudyante ang nagpa-assist sa akin sa mga canvass at ilan sa mga kailangan niyang art supplies. Sinamahan ko siya sa area ng kanyang mga kailangan nang bigla siyang nagtanong, “Ate, bakit Pandayan?” Medyo hindi ko na gets noong una kaya ipinaulit ko sa kanya ang tanong. Nagtataka pala siya kung bakit Pandayan ang pangalan ng ating tindahan. Tugon ko naman, “Pandayan po ang napili ng aming mga Boss dahil sa tulad ng sa mga Panday na naghuhulma at kumikinis ng mga metal, ang Pandayan Bookshop ay nagnanais na pandayin at hubugin ang isip at puso ng mga kabataan tungo sa pagkamakatao, pagpapakatao at pakikipagkapwa-tao.” Sagot ng estudyante, “Ang lalim po pala, pero kayo lang po ang sumagot. Yung iba po kasi ngumingiti lang sa akin. Maganda po pala ang meaning. Salamat po. Curious lang.”
Maganda rin siguro na tuwing may naha-hire tayong probee ay isama sa kanilang kaalaman ito. Maaari kasi na ang natanungan ng estudyante noong una ay isang probee at hindi alam ang itutugon kaya naman ngumiti na lang. Sa aking mga nadaanang branch lalo na ang mga sangay na magbubukas pa lang sa isang lugar ay madalas itanong ito, lalo na ng mga pari at mga inimbitahan para sa ribbon cutting.