Book Fair and Storytelling
Kami ay nagtungo sa Marciano Abella Elementary School upang ganapin ang storytelling with book fair at magbigay kasiyahan sa mga estudyante. Pagkarating namin sa school ay sinalubong na kami agad ng principal. Bungad sa amin ang kaniyang magandang ngiti at pagbati sa amin ng magandang tanghali. Ni-ready muna namin ang aming booth upang sa ganoon ay maayos na ang aming paninda bago pa lumabas ang mga estudyante. Noong kami ay handa na ay saka naman pinalabas ang mga estudyante. Bago nag-umpisa ang storytelling ay may mga tanong muna sa mga bata upang mas makuha ang atensyon ng mga bata. Habang nakikinig ay kita sa kanila ang saya at halatang nakikinig sila sa kwento dahil sa bawat tanong ay halos ang lahat ay gustong makasagot. Noong matapos ang kwento ay nagtanong kami patungkol sa kwento kung talagang nakikinig sila at nagbigay ng kaunting dagdag tuwa.
Excited na rin ang mga bata na makita ang mascot kung kaya at agaran din akong nag-costume upang mabigyan ng kasiyahan ang mga bata gamit ang mascot na Mickey Mouse. Kitang-kita sa mga mata ng bata ang ngiti at saya. Excited din sila na makapagpa-picture sa mascot. Ramdam ko ang saya ng mga bata sapagkat paglapit pa lang nila sa akin ay nakayakap at nakangiti sila. Masaya ako sa Pandayan at naka experience ako ng ganito. Dahil isa rin ako sa nakapagbigay ngiti sa mga bata sa pamamagitan ng pag-mascot maging sa mga palaro.