Canon Philippines Scientific Calculator Seminar
Nitong February 29, 2024 ay nagkaroon ng seminar para sa mga Math Teachers ng DepEd Pampanga patungkol sa Scientific Calculators. Ito ay sa pangunguna ng Canon Phillippines at Pandayan Bookshop Inc. Ginanap ito sa Teachers Teaching Center (TTC) sa SDO Pampanga. Bago naganap ang seminar na ito ay inutusan ako ng aking GE na si Maam Amor na pumunta sa SDO para makausap ang Supervisor ng Math Department. Sakto ito nang pumunta ako ay nandoon si Sir Gary Pangan (Supervisor ng Math Dept.) Pinatanong sa akin kung maaari ba tayong mag-conduct ng seminar para sa mga Math Teacher at nagustuhan naman ito ni Sir Gary. May mga ilang katanungan din akong dinagdag kagaya na lang kung anong mga topics ang gusto nilang malaman. Tinanong ko rin kung maaari sila ang maghanap ng venue para sa gaganaping seminar. Nabanggit ko kasi sa kanya na madalas na nagkakaroon ng ganitong seminar lalo na sa mga MAPEH Teacher. Tinanong ko rin kung ilan ang posibleng participants at ang priority ay ang mga Junior High School Teacher. Lahat nakuha kong deltalye ay agad kong pinasa kay Maam Amor. Ito rin ang kauna-unahan nag-asikaso ako ng ganitong event dahil ako na mismo ang tinatawagan ni Sir Gary kapag may mga katanungan din siya tungkol sa gaganapin seminar. Lahat ng kailangan sa seminar ay agad kong inaasikaso dahil may hinahabol din kaming oras. Kada may follow-up ang aking GE ay tinawagan ko agad si Sir Gary. Kapag si Sir Gary ang may mga katanungan ay tinatawagan ko naman agad si Maam Amor. Naging worth it naman ito dahil sa kabila ng naging problema ay natuloy at maayos na napagtagumpayan ang seminar.
Mas natuwa ako dahil unang beses akong makasama sa mga ganitong event. Madalas kasi ang aking mga naging SE ang sumasama at ako naman bilang ASE ang naiiwan sa tindahan. Bilang isang SE Caretaker isang pribilehiyo ang makasama sa ganitong event kasi ang pinaghirapan kong inasikaso sa halos isang buwan ay worth it. Ang sakop kasi ng SDO Pampanga ay halos mga Paaralan sa buong probinsya. 140 participants lahat ng dumalo dahil na rin sa tulong nina si Sir Gary at Maam Dory na maipahatid sa mga guro ang kahalagaan ng seminar na ito. Ang daming natuwang mga guro at aktibo silang nakikisali sa mga palaro at activity. Dito nga ako napapahanga kasi ang tatalino talaga ng mga Math Teacher. Pinapakita pa lang ang kailangan nilang i-solve ay may mga sagot na kaagad ang mga ito. Pero pinakanagustuhan ko ay natututo rin ako habang nakikinig. Ito yung tipong gusto mong makisali sa mga participants. Ganito pala kapag nagkakaroon ng mga event si Pandayan. Nakaka-enjoy at marami akong nakikilala lalo na ang mga nasa mataas ang posisyon sa SDO Pampanga. Sana sa susunod na magkaroon pa ng ganitong event ay makasama pa rin ko.