Clean up Drive
Sa aming pagpunta sa Brgy. Tenejero para sa pagpromote ng Opisina ay napag-usapan po namin ng kanilang secretary na si Sir Raul ang problema sa basura dahil isa po ito sa aming concern dahil hindi po nasusunod ang schedule na kanilang binigay sa amin. Sa amin pong pag-uusap ay ibinahagi ko po na ang Pandayan Bookshop ay aktibo pong nakikilahok sa “Clean up Drive” na bahagi po ng ating Buhay Komunidad. Tinanong po ako ni Brgy. Secretary Sir Raul Suarez Garcia kung kaya daw po namin lumahok sa January 14. Ito raw po ang unang araw ng kanilang schedule para sa paglilinis ng kanilang barangay. Sumang-ayon po ako dito at nang sumapit na po ang mismong araw para sa Clean up Drive ay 7:00 AM pa lamang po ay nasa barangay na po kami. Kasama ang kanilang mga barangay official ay tumungo po kami una sa half court na malapit sa talipapa, kasunod po ang mga maliliit na eskinita at mga kanal o taguling. Kasama ko po ang mga Kapwa na sina ASE Genvy, 3rd Arm Quien at mga Probee na sina Rency at Joshua.
Tila nagtataka ang mga taga-barangay Tenejero dahil may kakaibang uniporme ang naglilinis sa kanilang lugar. Habang naglilinis po kami ay nariyan ang mga naririnig namin na “Heto ang walis,” “Bigyan ka namin ng sako,” “Wow Pandayan!” “Parang TUPAD din sila”. Sa aming halos dalawang oras na paglilinis ay hindi ko nakitaan ang mga Kapwa ng reklamo dahil masaya kami habang naglilinis. Nariyan ang kausap namin habang naglilinis ang mga barangay official. Na-interview pa po ako ng isa sa kanila na bakit daw po mayroong ganitong programa o gawain sa Pandayan. Dito ko po binanggit kay Sir na ang nais po ng Pandayan Bookshop ay makatulong sa komunidad kahit sa maliit na paraan.