Field Work
Noong unang Linggo ng Pebrero ay lumabas po kami ni Kapwa Probee Michelle upang mag-alok ng Sining Pandayan. Una po naming pinuntahan ang Gaggabutan CDC, dahil nag-message po kasi ang kanilang guro na gusto niyang magdaos tayo ng Sining Pandayan sa kanilang silid-aralan. Nagtanong din po kami kung may malapit pa na school sa kanilang Lugar. Ang sambit ni Maam ay marami pang schools na malapit lang doon. Pagkatapos namin sa Gaggabutan ay isusunod na namin ang katabi nitong barangay ang Duminit E/S at Duminit CDC para mag-alok ng Sining Pandayan. Ngunit may kalayuan daw po ito at wala masyadong dumadaan na tricycle sa kanila kaya minabuti namin na maglakad na lang at sasakay na lang kami kapag may dumaan. Ngunit sa aming paglalakad ng isang kilometro at mahigit ay wala pa rin dumaan na sasakyan hanggang sa kami po ay nakarating na sa Duminit E/S. Worth it ang paglalakad dahil pumayag naman ang Duminit CDC at Duminit E/S para sa ating Sining Pandayan sobrang tuwa ko po dahil kahit malayo ang aming nilakad ay sulit na sulit dahil anim na schools ang naka-schedule para sa Sining Pandayan pagkatapos ng #ValentinesDay.