Fifty Pesos Tip
Pagabi na at habang gumagawa ako ng mga Teachers’ Day kit ay may isang panauhin ang nagtanong sa akin kung maaaring magpagawa siya ng ribbon para sa kaniyang bibilhing mga chocolate. Tila hindi niya alam kung anong design at kulay ng ribbon ang kaniyang pipillin kaya naman agad ako nag suggest ng kulay at design na maaaring gawin na nagustuhan din naman ni panauhin. Habang ginagawa ko ang kaniyang pasadya ay nakipagkuwentuhan pa siya sa akin at nakinig naman ako sa kaniyang mga binabahaging kuwento. Nang matapos ko ang kaniyang pasadya ay agad niya itong pinuri at nagpasalamat siya sa akin. Nagulat na lamang ako dahil inabutan niya ako ng P50.00 at tip ko raw ito. Dahil natuto po ako sa mga naging turo sa akin ng mga Kapwa Panday tungkol sa pagtulong na bukal sa puso at walang hinihinging kapalit ay ngumiti ako sa ating panauhin at sinabing okay na sa akin na natulungan ko siya at nagpasalamat sa kaniyang pag appreciate sa aking ginawa. Ibinalik ko sa kaniya ang pera at tumugon sa akin ang panauhin ng “Ganoon ba?” sabay hinulog na lang niya ang pera sa aming PGH Can. Pagkatapos ay ngumiti siya muli sa akin at nagpasalamat. Nagpasalamat din naman ako muli at dahil ito ang unang pagkakataon ko na magkaroon ng ganitong karanasan dito sa loob ng tindahan ay naramdaman ko ang sobrang saya sa aking puso dahil iba pa rin pala kapag nakakatulong ng walang inaasahang kapalit at bukal sa iyong puso.