Focus, Flow, Fulfillment
Sa maraming taong lumipas na ako ay nasa Pandayan ay hindi ko na mabilang sa aking daliri ang fulfillment na aking naranasan. Mula sa pagiging probee hanggang sa ako ay maging isang Acting SE. Hindi lang bilang isang Kapwa ang aking mga fulfillment, bagkus ay mas marami pa bilang isang anak, kapatid, asawa at higit sa lahat bilang isang ina.
Probee pa lang ako, lahat ng mga gawaing nakaatang sa akin ay ginagawa ko ang best ko. Basta kaya kong gawin ay ginagawa ko. Hindi ko namalayan na napamahal na ako sa trabaho ko kasi kahit anong hirap, late na uwian, walang katapusang gawain ay hindi ko na nararamdaman na natapos na naman ang isang araw. Naalala ko noong probee pa ako, madami akong mga first time gawin, tulad na lang ng pagbalot ng regalo, mag-bouquet, mag-highlight at iba pa. Lahat iyon ay pinag-aralan ko at sa tulong ng mga Kapwa Regular ay napagtagumpayan ko lahat ng iyon kahit na hindi pa ganun kahusay ang aking mga gawa.
Malaking fulfillment na iyon sa akin dahil nakayanan kong lumabas sa comfort zone ko at sinubukan ang mga bagay na akala ko ay hindi ko kayang gawin. Malaon ay naging ganap na akong regular. Sa journey ko pa lang mula probee to regular ay hindi na agad mabilang ang mga fulfillment na aking naranasan. Ganun pa man ay hindi ako tumigil na mas paunlarin pa ang aking sarili. Sa paglipas pa ng panahon, mas marami pa akong natutunan at mas mapaunlad ko ang aking sarili sa tulong na rin ng lahat ng Kapwa na nakasama ko. Malaking tulong din ang mga karanasan sa iba at ibang sangay na napuntahan ko. Ang pagmamahal ko sa aking trabaho ang tanging sandata ko sa kung anumang pagsubok ang maranasan ko. Dahil matindi ang pagmamahal ko sa trabaho ko, naniniwala akong mas marami pa akong mararanasang fulfillment sa buhay bilang isang Panday at bilang isang Kapwa sa labas ng Pandayan.