Guro sa Isang Araw

Guro sa Isang Araw

Sa aming pag-aalok ng Sining Pandayan sa mga paaralan, may mga pagkakataon na hindi tayo pinapalad na makapagsagawa nito sa mga paaralan dahil sa sunod-sunod na aktibidades ng mga paaralan kagaya ng PTA Elections, SPG Election, District Meet at iba pa.
Sa kabila nito, nag-isip ng ibang maaaring paraan ang aming kopon kung paano mas maisusulong ang Sining Pandayan. Dahil sa mayroong target ang aming pangkat na dapat ay magkaroon kami ng Sining Pandayan buwat buwan ay sinisikap naming magkaroon nito.
Kinausap namin ang mga Head Teacher ng MAPEH / ART Coordinator sa ika-anim na baitang ng mga paaralan para magbigay ng proposal sa pagpapa-workshop ng DIAMOND PAINTING sa mismong oras ng kanilang subject na MAPEH. Mabuti na lamang at pinalad kami na mapayagang makapagturo nito sa Gumaca West Central School.
Nasubukan na naman ang aming kakayahan kung paano makakapagturo na parang isang totoong guro sa loob ng isang class room. Kinausap kami ni Ma’am Annie na sa kanyang Mapeh Class kami magtuturo. Mayroon lamang na 45 minuto para maituro namin ang Diamond Painting. Upang maging maayos at maganda ang aming workshop. Pinaghandaang mabuti ito ng aming kopon, simula sa lesson plan, motivational games hanggang sa presentasyon ng aming pagtuturo.
Dahil ang Diamond Painting ay maituturing na kahanay sa pag-aaral ng Sining ito ang aming piniling ituro sa mga Grade 6 pupils ng Gumaca West Elementary School. Dahil mala Sining Sigla ang aming gagawing pagtuturo, inaral namin ang kahulugan ng Diamond Painting. Ibinahagi namin ito sa Mapeh teacher para sa kanyang approval ng lesson at ginawan rin namin ito ng Visual Aids para sa aming pagtuturo sa mga estudyante.
Naging matagumpay ang aming Sining Pandayan Art workshop. Nagkaroon kami ng 6 na session at 215 mag-aaral sa ika-anim na baitang. Napanood ng mga guro sa ika-limang baitang ang aming pagtuturo at banggit nila na nais rin nilang magturo kami sa kanilang Mapeh Class. Nakakatuw ang karanasan na ito. Hindi man ako naging guro kagaya ng aking tinapos, sa pamamagitan ng Sining Pandayan, nagagamit ko ang aking kakayahan para makapagbigay ng kaalaman sa mga kabataan sa bawat paaralan.