Halaga ng Bawat Kapwa
Sa aking pagiging isang SE ng ILA153 dito ko masasabing naibubuhos ko ang todo effort ng aking makakaya. Dito ko naramdaman ang pinakamaayos na samahan dahil sa pagtutulungan ng bawat isa sa tindahan. Simula sa mga unang Probee at hanggang sa mga kapalit na probee ay talagang nanatili sa kanila ang kakayahan na itinuro mo sa simula hanggang sa kanilang huling araw sa tindahan. Minsan nga ay naririnig ko na sa mga Kapwa na training ground daw ang aming tindahan dahil sa lahat ng Kapwa ay nasusubukan lahat ng activities sa tindahan. Tulad ng mga Pasadya, storytelling, facilitate ng workshop, mag-mascot at ibang pang activities. Makikita daw sa mukha ng mga Kapwa na masaya sila sa kanilang mga ginagawa. Sa aking pagpapatupad ay hinay-hinay ang aking pagtuturo ng 7 days training program na talagang manamnam ng bawat probee ang kanilang natutunan. Ihahambing mo sila sa baby sa simula at hanggang sa lumago sila sa kanilang mga trabaho.
Dumarating din sa point na minsan sila na mismo ang na-explore ng kanilang mga kakayahan at nag-present na subukan nila ang isang bagay. Kaya naman inaalalayan namin sila sa mga ganoong pagkakataon na gusto nilang sumubok. Hindi rin tayo nagbibigay ng mga salitang hindi maganda. Bagkus, binibigyan natin sila ng mas may ma-improve pa sa kanilang gawa. Dito ay nabibigyan natin sila ng lakas ng loob upang gawin lahat ng hamon. Nahahatak mo ang kanilang mindset na wala silang hindi kayang gawin. Na kung kaya namin ay kaya din nila.
Masakit din sa akin ang mga Kapwa na nagpapaalam sa loob ng tindahan. Isa sila sa mga nakakasama mo at nagiging bahagi ng iyong buhay. Sinasabi ko nga sa kanila na hindi ko sila tinuturing na empleyado bagkus bilang pamilya ko. Sa isang pamilya sa tahanan ay nagtutulungan sa gawain upang mas maisaayos ang tahanan. Ganoon din ang ipinapamuhay ko sa kanila. May mga panauhin tayo na pumapasok sa tindahan kung kaya at ganoon din dapat na maayos ang aming ikalawang tahanan.
Sa pagpapaalam ng aking mga kapwa ay nagbibigay ako ng munting regalo upang maipadama ko sa kanila ang aking labis na pasasalamat sa kanilang naging efforts pagdating sa tindahan. Binibigyan ko sila ng munting award na siyang magiging alala nila na naging kabahagi sila ng Pandayan. Ngunit ito ay ipinagkakaloob ko lamang sa mga Kapwang naka-5 months at nagkaroon ng malaking ambag sa paglago ng tindahan.