Housing Allowance Para sa Relocated Kapwa
Noong araw ng aking day-off ay plano kong mamasyal. Nakisilong ako kay Nanay Marieta na nagtitinda ng one-day old na itlog sa gilid ng daan sa harap ng Metro Gas Station. Isa siya sa naging kaibigan ko at matuturing ko ng Nanay mula noong malipat ako dito sa Arayat, Pampanga. May kakwentuhan siyang isang ale na nag-aabang din ng bus. Narinig kong tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan nila at bigla akong nabanggit ni Nanay Marieta sa kausap niya. Pinakilala niya ako, kung taga saan at kung saan ako nagtatrabaho. Biglang sumagot yung ale na bakit daw kumukuha pa sa malalayo kung pwede namang taga rito ang kukunin. Magastos daw sa part ng na-relocate dahil magrerenta pa ito ng kanyang matutuluyan. Sumagot naman ako at sinabi kong sagot lahat ito ni Pandayan. Bukod sa housing allowance na binibigay buwan-buwan ay may relocation allowance pa. Hindi na proproblemahin ang pambayad sa renta at bill sa tubig at kuryente plus maraming benefits din sa lahat ng regular. Humanga ang ale sabay sabi ng, "Ay wow! Sana lahat ng kompanya ganyan! Yung iba kasi nilipat na nga, sila pa gagastos sa lahat."
Nakaka-proud dahil napabilang ako sa kompanyang may malasakit sa kanyang empleyado at kompanyang iniisip din ang kapakanan at future ng mga Kapwa.