Iisang Samahan, Iisang Kultura
Unang araw na pagpunta namin sa Pandayan Rosales. Kasama ko ang mga support mula sa DAG64, 3rd Arm Karen, at DGP39, 3rd Arm Ally, para sa unang araw naming mag-duty sa tindahan. Sila ang aking kinuhang supoort para makasama namin sa ilang araw na pag-aayos ng tindahan.
Matagal bago ako nakasakay, walang jeep, madalang ang traysikel. Baha na raw sa Dagupan! Hanggang mag-chat si 3rd Arm Kars na “Ma’am baha po sa terminal ng Victory. Traysikel lang po ang pwedeng masakyan.” Kaya nag- traysikel na ako para makarating sa terminal. Nagulat ako sa taas ng pagbaha sa Dagupan, nagmistulang dagat.
Buti na lang mataas ang lugar kung saan ako nakatira. Sa taas ng tubig ay nabasa na naman ako dahil sa pagsalpok ng tubig baha sa traysikel. Lahat ay naglalakad na sa daan. Buti na lang kinaya ng traysikel ang tubig baha. Ayon kay SE Tin kahit mataas ang lugar namin ay inabutan pa rin ng pagbaha. Kaming dalawa lang ni Kapwa Karen ang sakay ng bus hanggang Sta. Barbara. Dito na kami inabangan ni Kapwa Ally.
Sa aming pagkikita ng mga Kapwa ay parang matagal na kaming magkakakilala. Makikita sa mata nila ang saya at excitement. Hindi ko nakita sa kanila ang lungkot dahil nalayo sila sa pamilya kundi saya na sama-sama naming bubuksan ang Pandayan Rosales.
Iisang samahan, iisang kultura. Ito ang aming nadama nang magkita-kita kami ng mga Kapwa.
Ewan ba namin bakit ang naramdaman namin nang magkitakita kami ay iisa ang ugali ng mga Kapwa Panday. Andun yung tiwala sa isa’t isa na kahit ngayon lang kami nagkita-kita ay hindi kami nag-alinlangan sa pakikisama. Dito namin naisip na magkakalayo man kaming mga Kapwa pero ang kultura na tinatak sa amin ay iisa. Kahit saan man kami sa Pandayan naka-assign ay parang pamilya na ang turingan namin.
Nagkaroon muna kami ng huddle meeting ng mga Kapwa bago kami magsimula sa mga plano sa tindahan. Nagkaroon kami ng pagpapakilala sa isa’t isa, kung paano kami na-regular sa Pandayan at ano ang naging buhay namin simula nang ma-regular kami sa Pandayan. Nagbigay kami ng kanya-kanyang pagpapakilala sa aming sarili.
Namangha ang mga bagong probee sa tagal ko na sa Pandayan at sa kung ano ang nangyari sa aking buhay simula nang ma-regular ako sa Pandayan. Napa-wow sila sa aking naging buhay sa Pandayan. Isa sa naging inspirasyon din ng mga Kapwa ay si 3rd Arm MaJoy nang malaman na nakabili na sila ng bahay sa tulong ng Pandayan na kahit ilang taon pa lang sa Pandayan ay nakakapundar na silang mag-asawa.
Wika ni 3rd Arm Ally, “Yan po ang pangarap ko, ang makabili ng sariling bahay. Sana all po!” Na-inspire ang mga Kapwa sa mga narinig nila sa amin. Hindi ko rin lubos maisip kako sa kanila ang blessings na dumarating sa akin. Ang maibabahagi ko rin kako sa kanila ay “Kapag mahal mo ang iyong trabaho ay babalik sa sa’yo ang lahat ng ito. Hindi man ngayon kundi sa tamang panahon. Basta always do your best at willing matuto.”