Isang Taon sa Pandayan
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw nagiging mga oras. Ang bawat oras ay nagiging minuto. At ang minuto ay nagiging segundo. Nito lamang March 4 ay ang eksaktong araw kung kailan ako naging regular. Isang taon na rin pala ang lumipas. Kung dati ay pangarap lang ito pero sino nga bang mag-aakala na mapapabilang ako sa hanay ng mga regular. Lahat naman pala talaga ay posibleng mangayari lalo na kung tayo ay nasa realidad ng buhay at kung sasamahan pa ito ng tiyaga, sipag, paniniwala sa sariling kakayahan, at lalong-lalo na sa Panginoong Maykapal lahat ay magiging posible.
Isang taon na akong pinupuno ni Pandayan ng mga karanasan na hindi matatawaran. Mga bagong kaalaman na patuloy na umuunlad sa paglipas ng panahon. Ang mga proyektong pinasimulan ni Pandayan ay humuhubog sa kaalaman at kakayahan ng mga kapwa, mag-aaral, at maging sa mga taong nakapaligid kay Pandayan. Napakalaking bahagi ni Pandayan sa akin. Binago niya maging ang pamumuhay ko. Kung paano ako makipagkapwa-tao, dahil ako bilang mahiyain at takot na humarap sa maraming tao ay na overcome ito.
Kaya ako ay lubos na nagpapasalamat sa Pandayan. Para sa akin ay para nila akong inampon dahil tinuruan nila ako na magkaroon ng CHIC, UWA, FEDA at marami pang ibanq nakapaloob sa KULTURA NG TAGUMPAY. Naniniwala ako na mayroon na akong likas na mga katangian ngunit hinasa pa lalo ito ni Pandayan sa nagdaang isang taon.
Mayroon din ang Pandayan ng isa pang proyekto na nakatulong sa ating kalikasan. Ito ay ang clean up drive. Kami ay nagkaroon ng clean up drive sa Barangay Duhat, Bocaue nito lamang nakaraang linggo. Kasama namin si Konsehal Arman na siyang gumabay sa amin noong araw na iyon. Aaminin ko na nakakapagod ang proyektong ito dahil naglinis kami ng halos isa at kalahating oras. Ngunit fulfilling din dahil nakatulong kami sa kalikasan. Ang sinimulan naming paglilinis ay maaaring maging isang malaking hakbang para sa mga taga-Duhat na panatilihin palagi na malinis ang kanilang lugar. Dahil ang isang maliit na pagkilos ay maaaring magbunga ng malaking resulta. Isang pribilehiyo na maging isa sa mga kinatawan ni Pandayan para sa ganitong proyekto.