Kaagapay ang Kawan ng Sulong-Kalidad
Nararamdaman na kaagapay ang Sulong-Kalidad lalo na ngayong Pasukan 2023.
Sa dami ng mga delivery ngayong Pasukan ay may mga mali sa delivery tulad ng pangit na packaging, luma, damage atbp na nadedeliver ng supplier.
Na-iinfo ito ng ilang GE at mga ASE sa akin at agad ko naman sinasabihan ang supplier. Ang tulong ni Kawan ng Sulong-Kalidad sa pangunguna ni CE Anna ay siya na ang nagpapadala ng info agad per Pangkat para ma-tsek din ng ibang ASE ang mga na trace.
Sila Ana na rin ang nagko-consolidate kung ilan ang irereturn at sila na ang kumakausap ng ahente. Malaking tulong ito sa akin, lalo na sa mga tindahan dahil sa dami ng for ordering kapag Pasukan at Consolidated ay hindi ko na iisipin pa ang pagsend sa branch o pagconsolidate ng pangit at damage na nadeliver para ireturn at bigyan ng datos ang supplier.
Sa tingin ko rin ay matututukan ng Sulong-Kalidad ang lahat ng for return at hindi na mauulit na kapag malapit na ang Annual Inventory ay binabalik sa bawat sangay ang mga hindi na return sa Supplier. Malaking bagay na may nangangasiwa at tumututok na kawan para sa damage, return at pag tsek ng quality ng mga paninda lalo na ang mga mamahaling paninda.