Kabutihang Puso
Sa ating pang araw-araw na pakikipagsalamuha sa bawat tao ay may mga oras talaga na may kakaibang pangyayari. Ito ay yung mga hindi natin inaasahang may mabubuting puso pa pala ngayon. Tulad ng isang kwento na aking ibabahagi. Ito ay araw ng Huwebes, Pebrero Uno ng gabi. Kami ng kasama ko na kapwa probee PIO na si Josh ay nag-iisip na kung saan kami tutuloy na hotel para sa gabing iyon. Naghahanap na kami sa google maps ng mga malapit na hotel. Tinitingnan namin kung saan mas mura at malapit sa branch na naka-schedule sa amin. Napili namin ang 77 Travellers Inn. Kaya naman binanggit namin ito kay Maam Laine. Tinanong namin siya kung alam niya po itong hotel na napili namin at kung saan. Ngunit hindi rin po ito alam ni Maam. Narinig ng isang regular na si Sir Dandee ang aming pinag-uusapan na kami ay tutuloy sa isang hotel doon sa Malolos kaya tinanong niya kami kung anong hotel. Mabuti na lamang po at alam ni Sir kung saan iyon. Habang nasa biyahe ay nagkukwentuhan kami tungkol sa mga buhay, biyahe at tungkol sa trabaho ng mga Kapwa. Mahaba-habang ruta ang aming binyahe noong gabing iyon. Patuloy niyang binabanggit sa amin na masayang magtrabaho sa Pandayan at kung ano-ano pang maraming benepisyo. Di namin namalayan na kami ay bababa na pala sa terminal. Noong pagbaba namin ay sumama sa amin si Sir Dandee. Nagtataka ako bakit habang naglalakad kami ay kasama siya. Inakala ko na lamang ay doon din ang ruta niya. Ngunit hanggang makaabot kami sa hotel ay kasama namin siya. Yun pala ay sasamahan niya kami hanggang ligtas kaming makapunta sa tutuluyan namin. Nakakaantig ng puso ang mga ganoong klase ng tao at isang empleyado pa ito ng Pandayan. Masasabi mo talagang mabubuting tao ang mga empleyado ng Pandayan. Sana ay madami pang regular na may ganito kabuting puso. Na kahit lalakad pa siya pabalik ng terminal para makauwi at aabutin pa ang biyahe niya ng higit isang oras ay nagawa niya pa kaming ihatid. Maraming salamat kay Sir Dandee ng BTS11.