Katuwang Ang Pandayan Sa Pagpapalaki Ng Mga Anak K
Sa aking paglalakbay bilang isang Kapwa sa Pandayan Bookshop, naging makabuluhan ang aking buhay dahil sa binibigay na maayos na pamumuhay sa amin ng aking pamilya. Isa rin sa nagiging gabay ko ay ang mga turo at gabay ng ating Kultura ng Tagumpay at mga aral na binibigay ni Boss JVC sa atin. Ito ang aking ginagamit para mapalaki ko nang maayos ang aking mga anak at para mabigyan sila nang maayos na pamumuhay.
Bilang isang ama, mahalaga sa akin ang makita ko na nasa maayos ang aming pamilya. Sa mga benepisyo na binibigay sa akin ng Pandayan nagagamit ko ito para maibigay ko sa aking pamilya ang maayos na pamumuhay. Simple pero punong-puno ng biyaya. Naalala ko tuloy ang pangarap ni Boss JVC sa atin na ang mga Kapwa ay magkaroon ng masaganang buhay, may sariling bahay, masaganang pagkain at nakakapamasyal paminsan-minsan. Malaki ang epekto nito sa amin dahil sa panahon ngayon bihira na lang ang nagmamalasakit sa mga empleyado, pero ang Pandayan ay patuloy pa nag-iisip kung paano mapapabubuti ang buhay ng mga Kapwa. Dito lang masasabi ko na mapagpala ako sa buhay. Madami mang pinagdaraanan pero nalalampasan dahil sa mga biyaya na naibibigay sa amin ng Pandayan Bookshop. Ito ang babaunin namin sa aming paglalakbay sa buhay. Maraming salamat po Pandayan Bookshop.