Lingkod Pandayan
Alas tres ng hapon, habang nasa selling area ako ay tinawag ako ng aming SE at nakiusap na pakitulungan ang Panauhin na bumili ng dalawang kahon ng bond paper. Dali-dali naman akong lumapit para bitbitin ang mga gamit at nagpapahatid daw sa malapit lang na opisina. Dinala ko na nga ang mga kahon at tumawid ng kalsada at inihatid na sa opisina nila. Pinaiwan na sa pinto ang mga gamit at bigla akong kinalabit ni Kuya. Binibigyan ako ng 100 pang meryenda ngunit tinanggihan ko at sinabi na: “Huwag na po. Hindi na po kailangan.” Ito ay munting bagay na nagbibigay serbisyo sa iba na walang inaasahang kapalit tulad isang quote na nabasa ko sa internet. “When you can give without expecting anything in return, you have mastered the art of living” ni Jon Mead ang dapat nating isabuhay. Nang maikwento ko nga ito sa aking mga kasama ay marami na pala silang naranasan na ganito pero kailanman ay hindi rin sila tumatanggap ng tip. Totoo nga na ang serbisyo ng taga-Pandayan ay walang hinihinging kapalit o bayad, ginagawa nila ito ng buong puso.