Loop Lock ng mga Badminton Rackets
Habang ako ay nasa work station inilapit sa akin ni Kapwa Bon ang set ng badminton racket. Napansin kasi niyang magkaiba ang laman nito. Ang isa ay Yonex at ang isa naman ay Wish. Tiningnan ko itong mabuti at magkaiba nga ang laman nito. Malamang ay ipinalit ang laman nito. Kaya naman dali-dali akong pumunta sa kung saan naka-display ang mga ito. Tiningnan ko ito isa-isa at tama nga na may Panauhin na ipinagpalit ang laman nito. Nang mahanap ko ang partner na nais bilhin ng Panauhin ay idinala ko na ito kaagad sa counter at ibinigay sa Panauhin.
Matapos nito ay tiningnan ko na muli ang aming mga display ng badminton racket. Inisa-isa at pansin ko ngang may mga ipinagpalit ang laman ng mga ito. Bukod sa nakita namin kanina na magkaiba ang laman, may isang pares din na parehong may barcode. Ibig sabihin ay nai-switch din ito dahil kalimitan naman sa naka-set ay isa lang ang may barcode. Kaya naman noong maisaayos ko na isa-isa ang mga naka-set ay naisip kong lagyan ang magkapares na raketa ng loop lock nang sa ganoon ay hindi na ulit mangyari at malito ang mga Panauhin. Buti na lang din at kumpleto pa rin ang bawat pares ng raketa sa aming display.