Lumabas sa Comfort Zone
Natutuwa ako na naging bahagi ako ng kompanyang ito. Bukod sa dito ko nakukuha ang aking ibinubuhay sa aking pamilya dito ko rin naranasan ang ang totoong kabuluhan ng buhay, na ang buhay pala hindi lang sa kumain ka ng tatlong beses sa isang araw, magpahinga tuwing pagod at pumasok araw-araw. Sa Pandayan naranasan kong tumulong sa Kapwa. Dahil nasa Pandayan ako, maraming tao na ang aking natulungan at napagsilbihan sa loob man o labas ng aming tindahan.
Sa 11 taon ko sa Pandayan saksi ako sa kung paano natin piniling tumulong sa abot ng ating makakaya. Malaki man o maliit na pagtulong ay tumatatak sa ating komunidad na kinabibilangan. Natutuwa akong nagiging kasangkapan ako ni Pandayan sa pagtulong sa komunidad na ating kinabibilangan. Iba ang pagmamahal na ipinapakita natin sa ating kinabibilangang komunidad.
Hindi man kasinggiting ng nagawa ng isa sa ating bayaning si Andres Bonifacio ang ating nagagawa ay nagiging malaking impact ito hindi lang sa mga tao kundi maging sa ating kalikasan. Ang tanong: Paano ito mapapatuloy ng Pandayan? Paano natin mas mapapalawig ang pagtulong ng Pandayan?
Marahil kung ako ang tatanungin ay ito ang aking isasagot. Gaya ng pagmamahal ni Andres Bonifacio sa ating bayan, dapat din nating mahalin ang ating kompanya, ang Pandayan Bookshop. Bakit?
Paano magpapatuloy ang pagtulong kung ang tumutulong ay hindi nakakatanggap ng pagmamahal galing sa mga taong dapat magbigay nito? Habang nag i-scroll ako ng sa newsfeed ng aking telepono ay napanood ko ang isang influencer na tila may ipinaglalaban sa buhay tungkol sa pagtatrabaho. Bakit ko ito pinansin?
Dahil sa narinig ko sa mga sinambit niya ay naramdaman ko na ang taong iyon ay hindi pa nakaranas na mahalin ang kanyang trabaho. Nagbigay siya ng feedback ukol sa isang nag-trending na video na kung saan daw tila sumosobra na ang pinapagawa ng isang fast food restaurant sa kanilang mga empleyado. Lumalabas pa raw ito upang ipakilala o magpromote ng kanilang mga paninda. Kesyo hindi naman daw kasama sa job description na inaaplayan nila. Na keyo tila raw inaalila ang mga ito.
Nalungkot ako sa mga sinabi niya at tila nalungkot ako para sa kompanya na kanyang pinagtatrabahuhan kung mayroon man. Naging sensitibo ako dahil sa atin sa Pandayan ay hindi naman ito big deal. Sa umpisa pa lang ay mulat na ang mga Kapwa sa ginagawa natin sa araw-araw upang ipakilala ang ating hawak na tindahan, maging ang buong Pandayan. Para sa akin ay hindi natin dapat ginagawang big deal ito. Napatanong ako kung nasaan kaya ang malasakit sa kanya.
Sa mga probee na nakausap ko, natutuwa sila kapag sinasama namin sila sa paglabas dahil para sa kanila ay may mga bago na naman silang matututuhan at mararanasan. Anong mali dito?
Para sa akin ang isang tao ay dapat lumabas sa kanyang comfort zone at i-explore ang sariling kakayahan upang magtagumpay sa buhay. Hindi ko rin naman alam kung ano ang naranasan niya sa mga kompanyang kanyang pinasukan pero sa kanyang pagsasalita hindi ko nakita ang pagmamahal at malasakit niya sa kompanya.
Masasabi kong iba talaga ang mga Panday. Nasabi ko sa sarili ko na kung nauna lang sana niyang nakilala ang Pandayan siguro hindi ganito ang kanyang pananaw. Lagi nating tatandaan na kapag nagtagumpay ang Pandayan at mas umunlad pa ay siguradong mas marami pa itong matutulungan lalo na sa komunidad na ating kinabibilangan maging sa ating bansa.