Mabuting Gawa 2
Abala ang lahat sa dami ng gawain at daming Panauhin. Preparasyon ng nalalapit na Christmas party ng iba at ibang paaralan, pailaw ng iba at ibang lugar at ang Socio-Cultural Arts Area meet ng buong ISU na ginanap dito sa Roxas kaya maraming Panauhin. Habang ako ay nagkakaha, may isang Panauhing ginang na nagtanong kung nasaan ang eco bag at dahil ako ay nagkakaha at maraming Panauhing nakapila ay itinuro ko na lamang ito kung nasaan. Ngunit siya ay sarkastiko at taas kilay na nagsabing, "Hindi ako taga dito, Miss. Baka pwedeng ikuha mo na lang ako?" Nginitian ko na lamang ito at dali-daling kinuhanan ng eco bag.
Habang pina-punch ko ang kanyang mga pinamili may kung anu-ano siyang sinasabi o pinupuna pa sa kabilang kaha na may Panauhing Kano. Tanging ngiti ang aking itinugon sa ating Panauhin ngunit sa isip-isip ko ay kinakabahan at natatakot dahil mataray ang aking kaharap. Pagkatapos kong bilangin ang kanyang sukli sa kanyang palad at nagpasalamat, ibinalik niya ito sa akin at dinagdagan pa ng 50 pesos at nagsabing, "Para sa iyo ito, Miss. Resibo lang kailangan ko." ngumiti at dali-daling umalis.
Dahil sa gulat ko sa pangyayari sa pag-aakalang masama ang ugali ng panauhin ay di na ako nakapagpasasalamat sa tulong na ibigay nito, na siya namang hinulog ko sa ating PGH na mas marami pang mga nangangailangan ang matutulungan nito. Dito ko naalala ang aming tinalakay sa nakaraang Kopon meeting na kahit sa mga simpleng bagay na ating ginagawa ay may mabuting balik sa atin.
#Samalikha #LingkodPandayan