Mabuting Karanasan
Biyernes, October 27, araw ng aking day off nagsimula po ang aking araw sa paghatid ng aking dalawang anak na nag-aaral. 10:30 am po ay nagpa-check up kami para sa aking bunsong anak na 11 months old dahil po sobra po itong nahihirapan huminga. Pass 1:00 pm ang findings po ng Pedia ay i-admit na ito sa Infirmary Medical Hospital dahil sa pneumonia at dahil po kulang pa ang mga facilities dito ay pinapunta po muna kami ng Famy Hospital para sa CBC at x-ray at naghintay sa result ng 2 hours. Moderate pneumonia po ang reading. Na admit po ang aking anak at kinabukasan ay may isang nurse na pang umaga ang bumati sa akin.
Nurse: Kuya, ikaw yung sa Pandayan?
Ako: Opo, maam, ako po.
Nurse: Lagi kami doon ng mga anak ko. Suki mo kami. Ikaw lagi naming napagtatanungan.
Ako: Namumukhaan ko nga po kayo.
Nurse: Kapag may kailangan kayo sabihin niyo lang sa akin ha.
Ako: Opo, maam. Salamat po.
Biglang pumasok sa isip ko na lagi ko rin itong sinasabi sa trabaho. Sarap pala kapag sa akin sinabi iyon, parang sobrang special at sobrang approachable.
Bago kami lumabas ay sobrang namoroblema ako dahil ung inaasahan naming pambayad ay naipit dahil po sa long weekend at holidays. Nag-promissory note po ako para di na rin po kami magtagal sa hospital at lumaki pa ang aming bill. Habang nag-aasikaso po ay may Angel na panauhin ang nagturo sa akin ng paraan upang mabigyan ako ng assistance mula sa munisipyo. Sinabi niya kung ano ang mga requirements sa akin. Ang bill namin ay 10k sa hospital at 4500.00 sa doctors fee. Ang nabayaran ko pa lang ay ang doctors fee.
Sobrang hulog ng langit po dahil nang matapos ko po ang mga requirements, dahil kaunti lang naman po ito, ay sinabi sa akin sa munisipyo na wala na raw po akong babayaran dahil 10k po ang cover ng assistance. Sobrang saya talaga at sobrang nagpapasalamat ako kay Ate Nurse at lalo na sa Pandayan kung saan nagkakakilala kami. Sobrang blessed dahil sobrang laki ng impact sa buhay ko nang mapasok at ma-regular ako sa Pandayan.