Mabuting Kumpanya
Habang nagpapakain ako sa mga nagtratrabaho sa aming bahay tinanong ako ng isa sa aming trabahador kung saan ako nakahiram ng pera na ginamit ko sa aming pagpapagawa ng bahay. Taos puso kong binanggit sa kaniya na sa Pandayan Bookshop ako nakahiram. Nagulat siya at tila hindi naniwala sa aking sinabi sabay sabing, “Buti at pinahiraman ka. Daig mo pa ang nasa gobyerno.”
Ngumiti ako sa kaniyang sinabi at saka ko rin sinabi sa kaniya na “Marami ng natulungan ang aming kumpanya at isa sa panagarap at benepisyong nais ibigay sa amin ng aming Boss ang magkaroon ng sariling bahay at lupa ang kaniyang mga Kapwa kaya ganoon na lamang kabilis ang tulong na ibinibigay ng Pandayan sa sa amin.”
Bakas sa kaniyang mukha ang pagkamangha sa aking mga sinambit at sabay din niya sinabi sa akin na “Napakabuti naman ng inyong Boss. Kahit hindi ka magpunta sa ibang bansa o magtrabaho sa gobyerno ay kayang-kaya mong maipatapos ang inumpisahan mong bahay.” Proud na proud ako na napabilang ako sa pagiging tunay na Panday kung saan dito nagsimula ang unti-unting pagtupad sa aking mga pangarap sa buhay.