Mag-impok Para sa Mahal Mo sa Buhay
Ang bunga ng pagsisikap ay makakamtam mo kapag ikaw ay may tiyaga at dapat pinagtrabahuhan. Dumating na nga ang unang incentive ko. Siksik, liglig at nag-uumapaw na blessings talaga noong pumasok ako ng Pandayan. Hindi lang naman salary ang batayan ng tunay na kaligayahan. Para sa akin ang Pandayan ang nagbibigay sa akin ng peace of mind dahil doon ko nararamdaman na safe ako.
Ang saya magtrabaho sa Pandayan bukod sa ang sweldo ay nakakasapat sa pangangailangan ng pamilya ay makakapag-impok pa ako para sa kinabukasan ng aking mga anak. Dito ay nakikita, nararamdaman ko sa aking mga kasamahan ang totoong halaga ng pamilya. Ang sweldo ay pera lamang. Oo, lahat tayo ay nangangailangan ng pera pero hindi mo talaga dito makukuha ang tunay na kaligayahan.
‘Wag hayaang dumulas lamang ang pera sa inyong mga kamay. Mag-impok hindi lamang para sa sarili mo kundi para na rin sa mga mahal mo sa buhay. In case of emergency ay may mahuhugot tayo. Ito ang tumatak sa isipan ko sa interview sa akin ni Boss Jun. Hindi natin hawak ang tadhana at panahon kaya habang bata pa ay paghandaan na ang kinabukasan.