Masaya Magtrabaho Sa Pandayan
Sa unang pasok ko pa lang sa Pandayan Bookshop nakarang taon, Enero 26, 2022 ay masasabi ko po na ang mga Kapwa ng Pandayan ay approachable, dedicated, caring, honest, courteous at mahusay makipagkapwa-tao. Hindi lang po masaya dahil sobrang saya talaga magtrabaho. Bukod sa maraming kang natututunan araw-araw, ay napapalagayan mo pa ng loob ang bawat kapwa at itinuturing na kapamilya ang bawat isa.
Maganda ang adhikan ni Pandayan sa bawat empleyado at isinasabuhay nito ang Kultura ng Tagumpay. Ang bawat kapwa ay mahusay makitungo, na kung saan nagpapagaan ito ng trabaho at nagpapasigla sa pang-araw-araw na gawain. Sa bawat Kapwa o Probee na nakakasalubong sa daan ay masayang bumabati sa’yo. Makikita mo sa kanilang mga ngiti ang galak at saya sa kanilang mga mata.
Bukod sa trabaho ay pinangangalagaan din ni Pandayan ang kalusugan ng bawat kapwa, upang mapanatiling ligtas at malusog ang kanilang pangangatawan. Malaking bagay ito para maging masigla silang magtrabaho araw-araw. Kaya masasabi ko na talagang “It’s more fun in Pandayan Bookshop.” Sa mga kapwa ko, halina’t samahan ninyo kaming magtrabaho upang sumigla at maging masaya ang inyong buhay. Mabuhay ang Pandayan Bookshop at padayon!