Masayang Magtrabaho sa Pandayan
Madalas kong marinig sa mga kinakausap kong Probee na isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan nila dito sa Pandayan ay bukod sa natututo sila ay masayang magtrabaho sa Pandayan. May mga pagkakataon man nahihirapan hindi ito naging dahilan para sila ay sumuko dahil masaya sila sa kanilang ginagawa. Masaya sila sa Pandayan.
Sa ating Diwa ng Panday mayroong tatlong sangkap ang Saya: Playfulness, Flow at Connection.
Playfulness (gaan ng pagdala sa mga bagay-bagay) - Kung nasusunod ang mga proseso sa tindahan, may WBS at PPS naidedelagate ang mga task sa bawat Kapwa, gagaan ang trabaho. Magiging parang isang laro na kung saan masaya ang mga Kapwa. Natatapos ang mga gawain at natutupad ang mga napagkasunduan.
Flow (malayang pagbuhos ng talento) - Mahalaga ang pagbibigay laya na may kaakibat na paggabay at pagsubaybay. Ang Pandayan ay samahan ng nagtuturo at natututo binibigyan natin ng pagkakataon ang mga Kapwa na ilabas at mahasa ang kanilang talento. Ang mga Pasadya sa Pandayan, Sining Pandayan, story telling activity at iba pang gawain sa tindahan ang mga patunay na mayroong talento ang bawat Panday. Probee man o Regular na Kapwa ay nakakaramdam ng saya kung may bago silang natutunan at kung naia-apply nila sa araw-araw na gawain sa tindahan.
Connection (may kasama sa tuwa) - Kung magandang ang teamwork ng Kopon, masaya ang bawat isa. Sa pag-abot ng adhikain ng grupo nandoon ang UWA na may kaakibat na saya.