Mensahe mula sa Panauhin
Nitong nagdaang araw lamang habang ako ay tumutulong sa counter area. Mayroong dalawang panauhin na mag-asawa na nag-uusap patungkol sa kaayusan at kagamitan mula sa Pandayan Bookshop. Isa sa mga tumatak na salita sa akin mula sa panauhin ay ang salitang “Buti pa sa Pandayan mabilis ang pagpila. Halos lahat ng kailangan ko ay nasa Pandayan na. Maayos ang bawat area dahil sa mga signage na nakalagay at hindi na ko nahirapan hanapin yung mga kailangan ng anak natin.”
Nang madinig ko ang papuri mula sa Panauhin ay sobrang nakaka-proud bilang isang Kapwa Panday. Halos lahat ng napag-usapan nila ay puro positibong komento para sa Pandayan Bookshop. Dagdag pa ng kaniyang asawa ay “Maayos at magagalang ang mga empleyado sa Pandayan.” Sa pangyayaring iyon ay napansin ko na maganda ang imahe natin mula sa mga mahal nating panauhin. Sa bawat papuri ng mga panauhin ay nakakataba ito ng puso at mas nakakaganang magbigay ng maayos na serbisyo. Sa mga oras na iyon ay isa ito sa mga hindi ko malilimutan na karanasan dito sa Pandayan Meycauayan. Pagbubutihin ko pa ang pagbibigay ng maayos na serbisyo at ipaparamdam namin kung gaano kabuti ang mga empleyado ng Pandayan Bookshop.