Micron Pen
Habang ako ay nasa customer service may isang Panauhing Estudyante ang lumapit sa akin upang magtanong ng UNI PIN 0.5. Dahil sa out of stock ito naisip ko na magbigay ng alternative pigment pen gaya ng SIMBALION, ZIG MANGAKA, ARTLINE, DELI FINELINER at PIGMA MICRON.
Nakakatuwa naman na may napili ang Panauhin at ito ay ang Micron. Habang nagbabayad ito kay Kapwa Jillian, isang panauhin ang kinausap ng estudyante na bumibili ng Micron point (0.5 mm). Nagkataon naman na naririnig ko ang kanilang pag-uusap.
Bigla akong napaisip sa sinasabi niya. Di ko napigilan ang sarili kong tanungin na rin siya. “Mabuhay po. Maaari po ba akong magtanong kung paano po makikita at malalaman na 0.5 mm ang Micron pens?”
Sagot naman niya sa akin "Meron po itong iba’t ibang sizes.” Habang tinuturo niya kung saang parte ng micron pen makikita ang size at meron din po itong equivalent sa bawat sizes. Ipinaliwanag niya sa akin ng maayos at binigyan niya ako ng isang halimbawa. “Gaya po ng size .8 ito po ay may equivalent na 0.5mm. Ang size 2 naman po ay may katumbas na 0.30mm. Sana po ay naliwanagan kayo.” Nagpasalamat ako sa panibagong kaalaman at nabangit pa nga niya na "Suki na po ako dito sa Pandayan. Sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang din naman,” sabay ngiti.
Sagot ko naman, “Oo nga sir. Salamat at ipapaalam ko din ito sa Kapwa ko kasamahan ang binigay mo sa aking kaalaman.”
Nakakatuwang isipin na kahit nandito sa tindahan ay may natutunan pa din kagaya ng kasabihang learning is a life long process at hindi dito matatapos ang kaalaman.