Munting Sorpresa sa Kapwa
Taon-taon ay ginaganap ang Brigada Eskwela. Ito ay para mapaghandaan ang malinis at ligtas na paaralan para sa mga bata. Katuwang ang Pandayan Bookshop sa pagtulong sa mga paaralan. Bago ito simulan ay nagkaroon muna ako ng kaunting trivia sa mga Kapwa. Ibinahagi ko ang Landas ng Pandayan kung saan sa Pandayan Uno, tayo ay nagtitinda. Sa Pandayan Dos ay nagtitinda at tumutulong, Pandayan Tres ay nagtitinda, tumutulong at nagsisilbing liwanag ng kabutihan at ngayon ang pangarap nating Pandayan Cuatro ay nagpupunla ng kilusan ng samahang makatao. Bago sumabak sa Brigada ay inspirado ang lahat ng Kapwa. Hindi matatawaran ang tulong at sakripisyo na ibinahagi nila at bilang SE nakikita ko ang pagpupursigi na makatulong ang aming Kopon kaya naman nagbigay ako ng sorpresa sa mga Kapwa. Bumili ako ng 13 packs of 2 kilos na bigas at merienda sa bawat Kapwa. Humanga ako sa mga Kapwa na makita ang willingness nila sa pagtulong at pakikiisa sa aming Kopon para maisagawa namin ang pagtulong na buong-buo ang ming TEAM EFFORT.
Malaking bahagi ang mga turo ni Pandayan sa pakikipagkapwa-tao at pagkamakatao. Dahil dito mas nauunawaan ko ang tunay na buhay. Inilaan ko ang ilang bahagi ng aking incentive ng July para magbigay ng munting pagtulong sa paaralan (janitorial supplies) at sa mga Kapwa na tumulong. Nagbigay din ako sa dati kong eskwelahan sa SNHS sa Pampanga. Napakasaya ko kahit sa konting tulong ay nakapagbahagi ako sa aking mga kapwa.