Munting Tindahan
Noon pa man ay nakaugalian ko na ang magtabi ng pera sa bawat sahod ko. Kahit noong wala pa ako sa Pandayan. Isang paraan kasi namin ng kapatid ko ang magtabi ng pera para may makuhanan kami kung kinakailangan. Noong na-regular ako sa Pandayan, P1,500.00 ang binabawas sa bawat sahod ko. Pangarap ko kasi na makabili ng kahit second hand na motor para may service ako kapag pumapasok ng trabaho. Ngunit masyadong matagal kung hihintayin ko pa na makaipon bago makabili ng motor kaya kumuha na lang ako ng hulugang motor. Ginamit ko ang naipon ko pang down at sa loob ng isang taon ay natapos ko na ito. Patuloy pa rin ang pag-iipon ko at ngayon sa pagtiyatiyaga at pagtitiis, ang aming munting pangarap ng aking asawa na maliit na tindahan ay binubuo na para makatulong sa aming ikinabubuhay. Ang lahat ng ito naging posible dahil sa aking maayos na hanapbuhay at tulong ng Pandayan Bookshop.