My Safe Haven

My Safe Haven

Simula noong ako ay pumasok sa Pandayan bilang isang Kapwa Probee ay naramdaman ko na kaagad ang pagkakaroon ng magandang samahan ng bawat isa. Ngayon na ako ay Kapwa Regular na at nalipat na rin sa iba't ibang tindahan mula GBA78, GNA112 at TRC57 ay hindi pa rin nagbabago ang ganitong klase ng samahan. Madalas ko nga na naririnig sa aming mga Kapwa Probee ang kanilang pagkukumpara sa atin at sa mga nakaraan nilang naging trabaho. Banggit nila na doon sa dati nilang trabaho ay nakakaramdam sila ng panliliit sa sarili dahil sila ay nasa mababang posisyon pa lamang at ang iba ay mas mataas na kaysa sa kanila. Samantala, dito sa Pandayan ay hindi nila nararamdaman na iba sila at wala raw silang nararamdamang pressure at higit sa lahat ay napakagaan din daw pumasok araw-araw dahil sa maayos na pakikitungo ng mga Kapwa Regular sa kanila. Ako rin mismo sa aking sarili ay ramdam iyon at para sa akin bukod sa aking pamilya, ang Pandayan Bookshop ay maituturing ko bilang isa sa aking Safe Haven. Pakiramdam ko dahil ako ay nasa Pandayan, hindi ako maliligaw ng landas dahil may mga learning sessions tayo na ibinabahagi sa LTL at Kopon Meeting na madalas ay naaangkop sa ating buhay. Pandayan ang aking ligtas na kanlungan. Sa mga panahon na pakiramdam ko ay hindi ko na kinakaya ay nandiyan ang aking mga kasama sa tindahan lalo na ang aming GE na matiyagang nakikinig sa bawat kwento ng aming buhay. Ito ang gusto kong mga nakapaligid sa akin. Hindi ka hihilahin pababa bagkus ay sasamahan ka sa pag-angat kasama sila. #Samalikha #LakbayDiwa