Nagpasalamat ang Nanay
Isang hapon habang naghahanda na kami para sa pagsasara ng aming tindahan isang bata ang humabol at nakiusap na may bibilhin lamang daw siya na kailangan sa kanilang eskwelahan. Agad naman namin itong pinapasok dahil hindi pa naman talaga kami sarado. Habang nag-aayos ako sa selling area ay nakapansin ako ng P500.00 sa sahig. Pinulot ko ito at agad akong tumingin-tingin sa paligid, nagbabakasakali na baka kakadaan lang ng Panauhin na nakahulog nito. Agad akong umikot sa tindahan at sakto naman na yung huling batang pumasok na lamang ang nasa loob. Hindi ko muna ito inabot at pinagmasdan ko muna ang bata at noong napansin kong naghahanap na siya sa kanyang bulsa at tila hindi na mapakali ay saka ko siya tinanong kung ano ang kanyang hinahanap. Nabanggit nga niya na nawawala raw ang 500.00 na pinadala ng kaniyang mama. Laking tuwa naman ng bata nang aking inabot ang 500.00 na aking napulot at lubos din ang kaniyang pasasalamat.
Kinabukasan nagulat na lamang ako noong isang nanay ang lumapit sa akin at nagpasalamat. Siya raw ang nanay ng batang nahulugan ng pera kagabi. Nakakatuwa at may paghagpos pa siya sa akin at ramdam na ramdam ang kanyang pasasalamat. Buti na lamang daw at sa loob ng tindahan ito nawala at hindi ibang tao ang nakapulot nito kundi ay siguradong hindi na raw ito maibabalik sa kaniyang anak. Hindi na bago ang ganitong kwento. Isang patunay lamang ito na naging bahagi na ng pagkatao ng bawat Kapwa ang pagiging tapat at tunay na mapapagkatiwalaan ng ating mga Panauhin at dahil ito sa Kultura ng Tagumpay na ating isinasabuhay.