Nagsisimula sa Sarili 2.0
Kilusan ng Mabuting Gawa ang bagong pangalan ng ating kilusan sa Pandayan Cuatro. Ang Pandayan ay hindi isang negosyo lang kundi isang samahan o kilusan. Ito ang kilusan ng mabuting gawa na nagsisikap abutin ang isang layunin na kaugnay ng pag-aayos sa lipunan. Noong una ay hindi ko ito lubos maunawaan. Iniisip kong hindi pa ako matured pero noong maunawaan ko ang kabuuan ng Kultura ng Tagumpay ay nararamdaman ko at may pakialam ako sa aking paligid at lipunan.
Tama si Boss Jun. Hindi lang dapat pagtitinda o para kumita ang iisipin natin para umunlad dahil ang tamang pag unlad sa negosyo o ekonomiya ay isinasaalang-alang ang kahalagan ng mundong ating ginagalawan at paggalang sa lahat ng mga may buhay. Tamang malayo pa ang tatahakin ko at ng lahat ng Kapwa. Sa Pandayan Cuatro ay sisimulan ko ito sa pagiging mabuting tao at magandang halimbawa sa aking barangay at lipunan upang mahiya silang gumawa ng mali. Kung lahat ng Kapwa Panday ay magiging mabuting tao, makikita ito ng ating lipunan dahil malayo maaabot ng ating sinag at naniniwala ako na kakayanin natin ito. Sabi nga ni C3 sa kanyang article sa Tinig ng Makataong Pamamahala, “Hindi mo kailangan ng superpowers para makagawa ng pagbabago. Ang kailangan mo ay willpower upang piliin at gawin ang tama.”