Paalaa sa Tamang Pag-inom ng Gamot
Sa lifestyle ng mundo ngayon ay ang mga sakit ay tila mayroong mga nage-evolve din na mga bacteria na sumasabay sa pag-iba ng lifestyle ng mga nilalang dito. Kaya ang mga maghihinang klase ng antibiotics ay hindi na gaano nirereseta gaya ng Amoxicillin. Hindi na effective sa katawan ng malaking bilang ng mga tao ngayon ang antibiotic na ito.
Malaking kontribusyon dito ang maling pag-inom ng gamot. Kahit ang naireseta dito ay 21 capsules na iinumin ng 3x a day sa loob ng 7 days ay hindi nasusunod. Isang dahilan na dito ay bumubuti ang pakiramdam ng pasyente matapos ang ika-3 o ika-4 na araw na siya ay umiinom ng gamot kaya ito ay inihihinto na niya. O kung hindi naman ay dahil sa kakapusan sa pambili kaya hindi na rin tinatapos ang 7 days na pag-inom. Mali ito. Hindi napapatay ng tuluyan ang bacteria. Maaaring humina o kung sa termino minsang ginagamit ay “pinatulog” lamang ito. Sa ilang beses na pag-ulit ng ganitong pangyayari ay nakikilala na bacteria ang gamot, kaya’t nakaka-develop na siya ng pangdepensa para dito o kaya ay tila mayroon na silang password sa isa’t isa na tropa na sila at hindi na nila aatakihin ang isa’t isa. Kaya’t wala ng bisa ang gamot. Sa ganitong pangyayari ay kailangan na magreseta ng mas malakas na klase ng antibiotic upang mapatay ang bacteria.
Para naman sa mga mayroong maintenance na gamot para sa blood sugar, cholesterol, highblood pressure at iba pang gaya ng mga ito ay mayroon tayong mga Kapwa na hindi nagtutuloy ng pag-inom. Ang dahilan ay nakakalimutan, extrang expense pa ito o kaya ay ginagawang dahilan na walang oras dahil busy.
Hindi din maganda ang epekto ng biglaang paghinto ng maintenance, lalo na kung ito ay para sa highblood pressure. Tumataas ang risk na magkaroon ng “stroke” sa pagkakataon na bigla itong ihinto. Dahil dito ay maaaring mag-shoot up ang blood pressure ng pasyente na kadahilanan naman ng pagputok ng ugat sa utak. O kaya ay magka-heart attack dahil kumikipot ang mga ugat kapag mataas ang blood pressure.