Pagkamulat sa Politika
Natalakay sa amin ang "TINIG NG MAKATAONG PAMAMAHALA". Dito nabuksan ang isipan ko sa politika at tumatak sa akin ang mga bagay na dati ang alam ko normal lang. Na wala akong pake dahil sa ‘di naman ako naapektuhan. Una, wala talaga akong pakialam sa politika. Sa totoo nga mas naniwala ako sa social media sa nababasa ko at nakikita ko lang online, na si ganito maganda ang nagawa at ito ay dapat kong iboto.
Dito sa Kopon Meeting na ito namulat ako sa realidad na dapat pala makialam ako at dapat pala may boses tayo at maging mapanuri tayo lalong-lalo na sa pagpili ng mamuno sa atin. Dahil ‘di lang ito para sa atin kundi para na ito sa next generation, lalong-lalo na sa magiging anak natin.
Dito ko masasabi na walang katumbas kung gaano kaganda ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon. May malasakit sa bawat isa at pantay-pantay ang trato sa lahat, na lahat mayroong boses, mapa maliit man o may malaking posisyon. Kung kayang gawin ni Pandayan ang ganitong pamumuno at pamamahala, mas maganda pa sana kung kaya din ng gobyerno. Kung kagaya ni Pandayan ang pamamahala sa Pilipinas, hindi ganito kahirap ang buhay naming mahihirap. Lalong-lalo na sa mga kagaya ko na ang magulang na may simpleng pamumuhay at pagtatanim lang ang natatanging hanapbuhay.