Pagtulong sa Pamilya
Sa pagdaan ng mga araw ay mas naiintindihan ko na ang buhay. Kagaya na lang ng pagtulong sa pamilya na akala ko ay hindi ko ito magagawa. Ngayon ay paunti-unti na ang pagtulong ko sa kanila. Hindi man ito kalakihan ay nakakatulong na rin ako kahit papaano. Noon nga ay madalas kong naitatanong sa aking sarili kung kaya ko ba ang ginagawa ng ibang tao na makatulong din sa kanilang pamilya at kung ano pa nga ba ang kaya kong marating sa buhay. Ngayon ay nagsisikap ako na maibigay ko pa ang mga pangangailangan nila dahil hindi naman habang buhay ay bata sila at nagkakaedad na ang mga magulang ko. Gusto ko na ako naman ang tutulong sa kanila.
Malaki ang pasasalamat ko ngayon dahil nakakapag-abot na ako sa kanila. Ang buhay pala ay hindi dapat minamadali bagkus ay maghintay at magpasalamat sa kung anong mayroon ako dahil dadating din ang araw na ako naman ang tutulong sa kanila. Malaki rin ang pasasalamat ko sa Pandayan Bookshop dahil pinagkatiwalaan nila ako at ako ngayon ay Regular Kapwa Panday na. Sobrang saludo ako sa Pandayan dahil paunti-unti ay natutupad ko ang mga layunin ko sa buhay.