Pagtutulungan
Ngayong School Opening 2023 ay malaki ang kaibahan kaysa sa nakaraang taon, dahil na rin sa magkaibang Kopon ang aking napuntahan. Pero mayroon itong isang bagay na magkatulad. Ito ay ang “Pagtutulungan” na makikita sa bawat Kapwa Panday. Makikita mo ang sakripisyo ng lahat ng Kapwa upang maitawid ng matagumpay ang School Opening ngayong taon, kahit pa ang lahat ay cancel day-off at adjusted ang pasok para tapatan ang bugso ng mga Panauhin. Sa tingin ko naman ay pangkaraniwan na ang “Pagtutulungan” ng bawat Kapwa. Bukod dito ay patuloy pa rin ang pag-iisip ng bawat Kapwa Panday ng mga paraan upang makapagbigay ng pinakamagandang serbisyo na maaaring ibigay sa bawat Panauhin, isa nga rito ay ang paglalapit ng mga common items o yung mga items na madalas hanapin ng mga Panauhin malapit sa counter upang hindi na mahirapan sa paghahanap ng mga ito, tulad ng mga subject stickers, plastic cover at iba pa. Taon-taon pabago-bago ang scenario sa bawat tindahan pagdating sa panahon ng School Opening pero laging ang “Pagtutulungan” ng mga Kapwa Panday lamang ang hindi nagbabago.