Pangarap Para sa Pamilya
Malayong-malayo na sa dati ang itsura ng aming bahay. Ibinigay sa amin ito ng aking biyenan. Laking tulong sa aking pamilya ang pagtaas ng aking sahod mula nang ako’y ma-promote at incentive buwan-buwan na aking natatangap.
Hindi ko sinayang ang mga ibinigay ni Pandayan sa akin. Inipon ko ito at unti-unting pinagawa ang aming bahay. Isang taon pa lamang ang lumipas naging matagumpay na ang aming plano mag-asawa.
Pangarap namin na mabigyan ng maayos na tirahan ang aming mga anak, maayos na mga gamit, at masustansyang pagkain. Malaking bagay ito sa aking buong pamilya na sa maayos nadadala ang aming kita at masarap umuwi ng bahay kapag maaliwalas at malinis ang bahay.
Noon kasi ang lumang bahay ay hindi maayos ang sahig, lababo at CR. Meron pang bulate kaming nakikita dahil magaspang ang sahig ng banyo. Naisip namin itong ipaayos pakonti-konti dahil lumalaki na ang aking mga anak.
Importante na meron tayong maayos na tirahan. Kay sarap pagmasdan ang ating pinaghirapan kapag maayos ang ating tirahan.