Paniniwala, Pagtitiwala, at Inspired
Marami ang natuwa at namangha sa atin. “Ang galing naman ni Pandayan, sana all.” Ito ang maririnig mo sa kanila matapos ang maiksing pagbabahagi niyo po. Very inspired sila sa samahan at palakad natin. Very inspired din sila sa ating Kultura ng Tagumpay at kung papaano natin ito naisasabuhay. “Iba talaga si Sir Jun mag-manage ng tao,” banggit ni Vilma ng Advance Paper. “Mabait talaga sa tao sila Ma’am Luz at Sir Jun,” banggit naman ni Active Industrial.
Napakasarap pakinggan ang mga papuri nila. Nakakataba ng puso ang paghanga nila sa inyo at sa buong Pandayan. Bagay na nais din nila mangyari sa kompanya nilang kinabibilangan.
“Paano niyo nagagawa ng sabay-sabay ang inyong mga proyekto tulad ng pakikiisa ninyo sa inyong community na kinabibilangan?” pag-uusisa ni Amspec. Tugon ko sa kanya, dahil sa gamit nating PPS o personal productivity system. “Wow! Ang husay!” tugon niya uli sa akin. Hindi siya makapaniwala na ang mga Panday ang gumagawa ng kanilang work schedule. At hindi siya makapaniwala na pinagkakatiwalaan ito ng top management.
Hindi maubos-ubos na papuri pa ang narinig natin sa ating mga kaagapay sa hanapbuhay. Maganda at nataon pa na karamihan sa dumalo ngayon ay puro may-ari mismo ng kompanya. Kaya maging sila ay nakilala talaga tayo nang husto. At hindi maiwasan ang paghanga nila sa atin. Kaya marapat lang na dapat bukal sa puso at nakatanim sa isip ng bawat Kapwa Panday ang pagsasabuhay ng ating Kultura ng Tagumpay. Dahil ito ang tunay na instrumento ng ating tagumpay.
Personally, nagpapasalamat din ako dahil naging kabahagi din tayo ngayon taon sa pagsasagawa ng ating Suppliers Fellowship 2023. Masasabi kong malaking tulong ito sa amin dahil mas nabuksan nang malaki ang buhay na ugnayan ng Central at ng ating mga supplier. Banggit nga ng Advance Paper na next year babawi raw sila sa back to school. Ngayon taon kasi, totally, hindi nila nai-serve ang P.O. natin kahit dumaan naman ito sa back to school booking.
Maging ang Veco Paper, mas i-improve rin daw nila ang kanilang delivery sa susunod na taon. Willing din daw sila mag-support pa sa ating mga activity na may kinalaman sa paaralan. Mga commitment na nakakataba rin ng puso, dahil lang sa paghanga at paniniwala nila sa atin. Padayon!