Pasado at Tanggap Dahil Bahagi ng Pandayan Family
Noong ako ay mamumulungan na sa aking mapapangasawa para makapagsama na rin kami, laking gulat ko na may isang babae na may edad 50 anyos pataas ang nagtanong, “Ikaw ba ang mapapangasawa ng aking pamangkin?”
Sagot ko naman ay “Opo, Tita.”
Laking gulat ko. Namumukhaan ko siya. Sinabi niya sa akin na kilala raw niya ako.
“Sa Pandayan ka ba nagtratrabaho?” ang tanong ni Tita.
“Opo, doon nga po ako nagtratrabaho, Tita,” sagot ko na nakangiti.
Sabi niya, “Nakakasigurado na ako na mabait at magalang ang mapapangasawa ng aming pamangkin. Hindi mo ba ako kilala? Naasikaso mo na ako sa Pandayan. Lahat naman ng nasa Pandayan ay may busilak na kalooban, may malasakit, matapat, masipag, at higit sa lahat, ay magalang.”
Sabi ko naman, “Grabe naman po, Tita, ang papuri ninyo.” Biro ko na nakangiti, “Baka po lumaki na tainga ko.”
Sobra akong nagulat sa sinabi ng tiyahin ng aking mapapangasawa dahil sa marami nakakarinig sa aming pag-uusap. Sobra ako nagpapasalamat at sa Pandayan ako nakapagtrabaho.
Malaki ang naitulong at naituro sa akin ni Pandayan sa pagkamakatao at pagpapakatao, at pakikipagkapwa-tao.