Picture Perfect
First time in my life po na naka-travel ako ng ibang bansa at ito ay dahil sa Pandayan. Bago pa lang ang araw ng FEs at GEs Integration ay talagang hindi ko na po natiis na mag-search kung saan ba kami pupunta. Napaka-instagrammable ng mga picture na aking mga nakita, kaya talaga pong sobrang excitement ang aking nadarama.
Sa panahong nasa Indonesia kami ay nasabayan po ito ng pag-ulan. Hindi lang basta ambon kundi talagang bumuhos ang ulan. Sabi pa ng tourist guide namin na si Mr. August na ito raw ang unang pagkakataon na umulan sa kanila ngayong buwan. Sa Ubod Swing ay matarik at madulas ang daanan na kailangan naming lakarin kaya napilitan kaming huminto muna habang nagpapatila ng ulan. Ito pa naman yung isa sa magandang spot na nakita ko sa instagram, kung saan sasakay sa Ubod Big Swing habang tanaw mo ang luntiang paligid at hagdan-hagdang palayan na nasa ibaba nito. Ito rin po yung pwede kang mag-rent ng tela para maging siyang OOTD sa lugar na iyon. Sa kabila ng sitwasyon na ito ay hindi pa rin kami natinag. Masaya ang kwentuhan at tawanan ang siyang maririnig sa aming grupo. Nang makakita ako ng chance na medyo humihina na ang ulan ay inaya ko ang mga girls na GE na mag-rent na kami ng OOTD para sa magandang picture sa swing subalit ayaw na nila, dahil umaambon pa rin at basa na ang mga swing. Pero isa po ito talaga sa inasam ko na gagawin ko kapag napuntahan ko ang lugar na ito. Naisip ko rin na hindi ko alam kung kaya ko pang makakabalik dito at kung dumating man yung panahon na iyon ay baka hindi ko na kayang magawa pang mag-swing dito. Sayang ang pagkakataon kung palalagpasin ko pa ito at ayokong magsisi dahil hindi ko ito ginawa, kaya kahit ako lang pong mag-isa ang nagrent ng OOTD ay itinuloy ko pa rin ang plano ko. Sobrang saya po ng aking pakiramdam dahil ika nga ay picture perfect ang resulta.