Pinaghandaan ang Brigada
Sa Brigada Kick-Off ceremony na aming nadaluhan sa Don Vicente G. Ferrer Elementary School ay nabangit na ang Bridaga Eskwela ay nagsimula noong 2003 at ngayon ang programa na sinimulan ay dalawang dekada na patuloy na balikatan ng komunidad, private sector at gobyerno. Isang programa na masasabi ko pong priority ng Pandayan Bookshop upang maibalik ang pasasalamat sa mga eskwelahan. Sa mga nagdaang Brigada ay patuloy tayo sa paglagap ng impormasyon kung paano natin sila matutulungan na naging tugon ang ating Alyansa sa Edukasyon. Batid natin na ang bawat paaralan ay may iba’t ibang suliranin na kinakaharap. Wika nga nila na malaking bagay na may katuwang sila sa pagtataguyod ng edukasyon sa kabataan.
Sa kabuuan ng programa ay patuloy ang pasasalamat nila sa atin, ang ating act of service sa mga gawaing panlipunan na nakikilahalok at nagpapakita sa komunidad. Nang matapos kaming tumulong sa paglilinis at inaabot namin ang Cleaning Materials sa kanila ay nagulat sila sa walis tambo dahil sa desensyo nito na nakahabi ang “Pandayan”. Tunay daw na pinaghandaan natin ang Brigada Eskwela. Batid nila na limitado lang din ang mga maibibigay natin ngunit ang makatanggap ng kaunti ay malaking pagpapala na kapag pinagsama-sama ay biyaya. Mapalad daw sila na napili natin sila sa ating listahan. Isasama daw po nila ang Pandayan Bookshop sa list of donors na ipapa-tarpaulin at ipapaskil sa labas ng gate upang makita at magbigyan ng pagkilala.