Proud SE!

Proud SE!

Nais ko lamang po ibahagi ang tagumpay ng aking mga naging Probee, paglabas ng Pandayan.
Habang naka lunch break ako ay may natanggap akong mensahe mula sa dati kong Probee na si Katrina. Ito ang aking nabasa “Ma’am Yhen, Success result ng exam ko, ginamit ko lahat ng turo at pangangaral niyo po sa akin. Maraming salamat po sa lahat. Mahaba na po ang aking pasensya” 3 Probee ko ang na DP nitong nakaraang taon, at pareho sila Criminology na nag board exam at nakapasa.
Mayroon naman na dati ko ding Probee na si Randy na kaka DP pa lamang ay Education ang kurso. Habang nasa Pandayan siya ay nagrereview sa kanilang bahay. Sinabay niya ang pagtatrabaho at pagrereview. Nakakamangha dahil kahit puyat ay hindi sya nali-late at hindi naapektuhan ang kaniyang pagtatrabaho.
Noong nag-exam siya ay kasalukuyan din na nasa Pandayan siya nagtatrabaho. Masaya niya ring naibahagi sa akin ang naging resulta at siya ay nakapasa din sa Board Exam. Dahil nasa probinsya ang kaniyang mga magulang ay walang umattend sa kaniyang Oath taking, kaya nakiusap siya sa akin na kung maaari ay ako ang umattend. Sakto naman na day off ko noon kaya ako ang umattend sa kaniya. Hinding-hindi ko rin ito makakalimutan. Napakasayang karanasan, para akong isang ina na tuwang-tuwa sa tagumpay ng isang anak. Labis ang kaniyang pasasalamat sa akin.
Ngayon ay nagtuturo na siya sa isang private school at nito lamang nagpunta sa aming tindahan, at mag-aavail na ng Guro Card. Dating Probee, Guro na ngayon!
Sobrang saya ng aking puso sa tagumpay na ibinahagi sa akin ng mga dating Probee. Nagpapasalamat ako dahil nakatulong ang Kultura ng Tagumpay na paulit-ulit kong ibinibahagi sa kanila, na matupad nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Maituturing kong masayang karanasan ko ito sa Pandayan, na isa ako sa maituturing na naging inspirasyon ng aking mga Probee at naging bahagi ng kanilang mga Pangarap.
 
Proud SE! yan nalang ang aking nasabi sa kanila. Iba pala sa pakiramdam na nahaplos ko ang kanilang puso at isip para sa kanilang mga mainimithi. Salamat Pandayan! ♥