Pusong Panday
Isa din sa aking ibinigay na tanong sa bawat regular ay ang “Paano mo malalaman na taglay mo ang Pusong Panday?” Ito po ang kanilang mga naging sagot.
Nasa puso ang paglilingkod at mayroong sense of ownership.
Naiintindihan ang nararamdaman ng bawat kasama kaya naman bukas ang pagtulong sa bawat isa.
Hindi naghihintay ng ano mang kapalit.
Ginagawa ang higit sa hinihingi.
Hindi nalelate sa pagpasok.
Hindi mapagtuos ng oras.
Hindi kinukuha ang tip.
Kahit naka-day off tuloy ang pagtugon sa mga concerns.
Lead by example.
May pagkukusa at malasakit sa trabaho.
Buhay ang safety net. Kapag wala ang isa, papasok ang isa.
Ginagawa ang Asikasong nasa puso.
Paggawa ng paraan sa pangangailangan ng Panauhin.
Pumapayag sa paglipat lalo kung tawag ng tungkulin.
Pagkakaroon ng initiatives at suggestions.
Dahil sa kanilang mga nabanggit, isang patunay lamang na buhay na buhay o taglay ng mga Kapwa ang Pusong Panday na masasabi kong isang competitive advantage dahil ito ay mula sa paghubog sa amin ng Kultura ng Tagumpay.