Sa Pandayan ay Natututo
Ako ay isang probinsyanang napadpad sa Laguna
Para sa pamilya, lumayo ng milya-milya.
Kapalaran ay sinubukan sa Pandayan Bookshop
Lubos ang galak nang ako ay matanggap.
Sa aking unang oraw ako ay nalilito
Ano ang tawag sa mga bagay na ito?
Turo doon, turo rito; sa pagtatanong, hindi nahinto
Hindi nahihiya sapagkat siguradong matututo.
Nang ako ay magkaha, lubos na namangha
dahil sa turo at suporta sa akin ng mga Kapwa
Maging mabuting empleyado sa kasama at ibang tao
Maging mabuting halimbawa, maging isang ehemplo.
Kultura ng Tagumpay, ngayon ay isinasabuhay
Tila ako isang poro-parong nakaranas ng banyuhay
Salamat Canlubang sa ilang buwan na karanasan
Marami akong baong aral sa aking bagong pakikipagsapalaran.
Sa aking mga Kapwa Panday, salamat so pagpupugay
Hindi malilimutan, kabutihang inyong ibinigay
Sa mga pagkakataong ako ay matamlay,
nariyan rin kayo para bumati ng MABUHAY!