Sabihin ng CSS sa Panauhin ang Expiration Date
Sa tuwing may pagkakataon na nakakadaan ako para bumili sa Mercury Drug Store malapit sa amin isa sa aking napapansin ay ang patuloy na pagpapaalala nila sa expiration ng mga produktong kailangan nang agarang pagkonsumo. Halimbawa ang mga tinda nilang tinapay, gatas, gamot at iba pa.
Akala ko ay natural na gawi na lamang nila ito sa kanilang mga customer dito sa kanilang branch pero nang minsan na makagawi naman ako sa isang branch nila malapit sa amin ay ganoon din ang naging scenario.
Isa ito sa maaaring maging halimbawa ng mabubuting pamamaraan ng pagpapahayag ng pagaasikaso ng mga Kapwa sa ating mga Panauhin kung maaari natin itong makasanayan. Halimbawa, sa ating mga panindang pagkain at inks.
Kung hindi man natin mabanggit sa ating mga Panauhin ay maaari natin itong check bago ibigay sa kanila para maging aware din po tayo na wala po tayong naibebenta na expired items kahit na po regular naman ang ating checking sa mga items na malapit na ma-expire.