Safari Theme Styro Cut
Ito na yata ang pinakamalaking project na aking ginawa at tinanggap. Isang masugid na Panauhin ang laging nagpapagawa sa akin ng mga iba at ibang theme na kanilang ginagamit sa kanilang Photo Studio. Ngayon naman ang kanyang gustong ipagawa ay Safari Theme at nasa 4 feet ang taas nito upang malaki sila kapag ginamit sa studio. Sa una ay nag-alangan akong tanggapin ito dahil una matagal itong gawin at sasabay pa sa Season ng Valentine. Pero dahil sa kaya ko naman itong gawin ay tinanggap ko ito at sinabi na gagawin ko na lang ito nang mabilis para agad matapos. Malaking hamon din sa akin ito dahil mano-mano ko itong ido-drawing at wala naman akong pattern ng mga animal. Binigay niya sa akin ang mga gusto niyang ipagawa, nasa anim na animals at dalawang puno. Nang matapos ko ito ay talagang masaya ako dahil kaya ko pala itong gawin at ang challenge sa akin ay magmukhang buhay ang aking mga ginawa. Ipinakita ko ito sa Panauhin at laking tuwa niya dahil nagustuhan niya ito. Nais pa nga magpagawa ng isa pang set tulad nito para naman sa kabilang studio. Sabi ko naman ay after Season ko na ito magagawa dahil medyo busy na din sa paparating na #ValentinesDay.