Salamat mga Kapwa Panday!
Nais ko lamang pong ibahagi ang di inaasahang pangyayari na dumating sa aking buhay bago pumasok ang buwan ng Agosto. Nangyari pong ma-confine ang aking panganay na anak na si Emryz sa kadahilanang siya po ay na dengue. Dito ramdam ko po ang pagtulong po sa akin ng Pandayan. Sa pamumuno po ng aming butihing GE na si Ma’am Jenneth Ocampo ay nag-ambagan po ang Pangkat 14 upang tumulong po sa aking anak sa kanyang mga gamot na pang maintenance at follow-up checkup po niya. Kinapos na po kasi ang aking buong sahod sa babayarin sa hospital. Napakalaking tulong po nito at ako’y lubos na nagpapasalamat. Nariyan din po ang ating benipisyo na Spouse and Child Care Benefit. Ito rin po ay malaking tulong dahil kung wala po ito ay iilang araw lang po sana ang aking naipasok sa Pandayan. Ako po kasi ang nagbantay sa aking anak sa ospital sa loob ng apat na araw. Kulang po ang salitang salamat sa pagtulong niyo po sa akin. Maraming salamat po at Padayon!